Untitled

bitter na kung bitter ;)
Mahirap pa sa daga
          Kwento ng aking  mahal na ina, nuong kabataan nila lubos na mahirap ang buhay. Kayod ng  kayod para lamang may maihayin sa hapag kainan. Ang aking ama nuong araw  ay isang magbubukid. Nagkakilala sila ng aking ina sa murang edad at  nabiyayaan agad ng supling. Nagsikap ang aking ama para lamang mai-ahon  ang pamilya sa kahirapan. Nadag-dagan ng nadagdagan ang supling. Ngunit  hindi naging pabaya ang aking mga magulang sa kanilang mga anak.  Naisipan ng aking mahal na ama ang makipagsapalaran sa ibang bansa.  Guminhawa ang buhay nila kahit papaano. Mapagmahal ang aking mga  magulang kahit anong hingiin ng aking mga kapatid ay naiibigay nila.  Dumating ang araw na kailangan na muling umuwi ng aking ama sapagkat  talamak ang gyera sa bansang Iraq. Nuong panahong iyon nagkasakit naman  ang aking ina. Namayat ito, hindi makakain ng maayos. Hindi nila alam  kung saan kukuha ng pampagamot. Ang aking panganay na kapatid ay maagang  nakapag asawa. Siyang pinalaki ng maayos at binigyan ng magandang buhay  at siya dapat ang makatutulong sa aking mga magulang. Mabait ang aking  mga magulang hindi sila nagalit at sinuportahan lamang ito. 
          Ako ay ika- sampu sa  aming magkakapatid ang bunso kung tawagin. Ang sabi pa ng nakararami  hindi na raw dapat ako itutuloy, sapagkat napakarami na namin ngunit  alam kong mahal ako ng aking mga magulang. Nagsumikap ang aking  pangatlong kapatid hanggang sa makarating siya ng Amerika at duon  naghanap buhay. Pinetisyon ang aking ama at awa ng diyos ay nakarating  na din ng Amerika. Hindi kami pinabayaan hanggang sa guminhawa ang aming  buhay. 
          Nang maka-apat na taon  ang aking ina naman ang pinetisyon ng aking ama. Nuong una ay nalungkot  ako sapagkat hindi ako sanay na hindi kasama ang aking ina. Dumating  ang panahon natanggap ko na rin. Kaming magkakapatid ay nakapetisyon  rin. Sa wakas ang aming mga pangarap ay unti- unti nang natutupad. 
          Hindi man lahat sa  aking mga kapatid ang nakapagtapos ng pag-aaral. Maginhawa at alam kong  maayos ang aming pamumuhay.  
          “mahirap pa kami sa  daga,” yaan ang sabi ng aking mahal na ina. Ngunit hindi kami pinabayaan  ng Panginoon. Unti- unting guminhawa ang aming pamumuhay. 
          Maging isang doktor  ang pangarap sa akin ng aking mga magulang, hindi ko sila bibiguin.  Masaya ako at sila ang aking naging mga magulang.

Sa ikalimang palapag (oasis phoenix literary folio)

Ito ay tungkol sa isang batang pasyente na nag-ngangalang Marvin, sa isang nars na si Alena at sa natatagong lihim.

Si Marvin ay isang mabait at malambing na bata ngunit siya ay may malubhang karamdaman. Si Alena ang nag-aalaga sa kanya sa ospital kaya naman sa loob ng tatlong buwan naging mag-kalapit ang kanilang mga ka-looban. Itinuring siya ni Alena na parang isang nakababating kapatid, mahal niya ang bata at mahal din siya nito. Si Marvin ang nagpapa-alala kay Alena sa kanyang namayapang bunsong kapatid. 

Bukod sa pag-ganap bilang isang nars ni Alena sa ospital tungkulin na ng kanyang buhay ang pagbisita nang madalas sa silid ni Marvin upang siya’y kausapin at asikasuhin. Binigyan ni Alena si Marvin ng isang asul na laso at inilagay niya ito kanyang braso.

Isang masalimuot na araw ang dumating sa buhay ni Alena. Hinabol niya ang kanyang hininga sa pagmamadaling maabutan si Dr. Grem. Tagaktak na ang kanyang pawis subalit ang pag-asang maisalba pa ang buhay ng bata ay hindi pa rin niya isinusuko. Mabilis ang takbo ng mga pangyayari, simbilis ng pagsampal ng hangin sa kanyang mukha. Pilit niyang nilalabanan ang sakit na mawala ang batang naging malapit na sa kanyang puso.

Biglang may kumurot sa puso ni Alena. Umagos ang luha sa kanyang mga mata ng marinig ang pagkumpirma ng masamang balita. Pumapalahaw na rin ang mga kamag- anak ng bata sa sobrang pag- hihinagpis. Nabalot ang lugar ng nakakabinging atungal at pagsusumamong maibalik ang buhay ni Marvin.

Pansamantalang naputol ang pighati ni Alena nang mapansing binubuhat ng ibang nars ang katawan ng bata patungo sa isang silid ng ospital na hindi pa niya napupuntahan. Hindi ibibigay ng ospital ang labi ni Marvin hanggat hindi pa nababayaran ng pamilya nito ang lahat ng mga gastusin sa ospital. Iyon ang patakarang sinasabi ni Dr. Grem, kaya naman lalong nanlumo ang mga magulang ni Marvin.

Naupo sa isang tabi si Alena habang umiiyak at bigalang may lumapit sa kanya, ang kanyang kaibigang matalik na si Rod kasabay ang pag- punas sa luha ng dalaga. Iginigiit ni Rod kung ilan na bang pasyente ang naiyakan ni Alena. Sinabi ni Alena na mahal niya ang bawat pasyenteng inaalagaan niya. Sinabi ni Rod na magkaiba nag kanilang mundo, hindi siya katulad ni Alena. Natahimik bigla ang dalaga at biglang sumeryoso si Rod.

Simula nang makabangga niya si Rod sa ospital nang mag- aplay siya dito ng trabaho, naging malapit na si Alena sa binata. Palagay na ang loob niya rito.

Lumipas ang ilang araw ngunit hindi pa rin niya nasisilayan ang mga labi ni Marvin. Bumabalik- balik pa ang noon ang mga kamag- anak subalit tila nawalan na rin ang mga ito ng pag-asa nang wala ni isang senyales na ipinapakita ang ospital kung makukuha pa nila ang katawan ng bata o hindi. Hangga’t walang pambayad hindi nila makukuha ang bangkay.

Kasunod nito, isang bangkay ng leukemia patient ang dinala rin sa kwartong pinagdlahan kay Marvin. “naiturok mo ba ang red toxic?” sambit ng doktor sa nars na humahawak sa pasyente. “Opo, gaya ng pinag-utos ninyo,” tugon ng babae.

Gaya ng katayuan ni Marvin, ang bangkay ng leukemia patient ay hindi na din napabalik sa kanyang kamag-anak. Puro katanungan ang nasa isip ng Alena habang namamalagi sa ospital. May kung ano, na hindi niya maintindihan.

Binanggit niya ito kay Rod, at ang tanging nasabi lamang ng binata sa kanya ay “kung anuman iyon, hindi mo na dapat inaalana. Para rin sa’yo iyan.” Lalong naguluhan si Alena, “anong ibig mong sabihin Rod?.” Tanging singhap lamang ang isinagot ng binata sa kanya.

Pagod na pagod ang pakiramdam ni Alena. Nakita niyang may isang pasyente na namnag namatay at dadalhin sa silid kung nasaan ang mga labi ni Marvin. Palihim siyang pumunta sa silid kung nasaan ang mga bangkay. Hindi niya namalayang nasa ika-limang palapag na pala siya. Nakakabingi ang katahimikan sa ikalimang palapag. Hindi niya alam ang mga silid dito. Kaba, takot ang nararamdaman ng dalaga ngunit para lamang masagot ang lahat ng katanungan sa kanyang sarili kailangan niyang malaman kung ano ang mayroon sa silid na yaon.

507 ang nakita niyang numero. tinahak niya ang silid. Dahan- dahang binuksan ang pinto. Madilim, walang kahit anong sinag ng liwanag. Bumungad sa kanya ang dalawang hilera ng kamang nababalutan ng puting kama. Maalinsangan para sa isang pribadong ospital. Iniikot niya ang kanyang paningin, nakikiramdam sa bawat hakbang. Napansin niya ang isang berdeng istate at binuksan niya iyon. Sa pagtulak niya ng drawer ay may napansin siyang liwang sa kanang bahagi ng silid. Lumapit siya rito at marahang hinawi ang kurtinang nagkukubli rito.

Dahan- dahan niyang binuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang mamasa- masang sahig ng kwarto. Malagkit ang likidong nakakapit sa sahig. At ang amoy ay hindi niya maipaliwanag. Malansa ito at tila pinaghalong gamot at dugo. Agad niyang kinapkap sa dingding ang switch. Biglang gumapang ang kilabot sa kanyang buong katawan habang pigil ang sarili sa paghiyaw. Tinakluban niya ang kanayng bibig at walang kakurap- kurap siyang napatitig sa mga nabanaag niya.

Pulang likido ang bumabalot sa kwarto - malapot at malansa. Nakakalat ang mga plastik na naglalaman ng mga putol- putol na parte ng katawan ng tao. Nakita ni Alena ang hugis aparador na gawa sa metal. Ubod lakas niya itong binuksan. Nagulat siya ng bigla niyang makita ang dalawa pang bangkay na nagsisiksikan sa masikip na lugar na iyon. Hindi na siya nagdalawang isip na makipagsiksikan sa mga duguang bangkay nang may marinig siyang mga yabag ng paa.

Si Dr. Greg at iba pang nars ang pumasok sa silid. Nag-uusap sila kung napakain na ba ang nakababatang kapatid ng supremo. Natakot si Alena ng marinig niya ito. Agad na hinagisan ng doktor ang bata nga isang duduang braso ng bangkay. Sinambot ito ng bata at sinunggaban kaagad ng kagat. Nanlumo si Alena nang mapansing may asul na laso  ang brasong nilalapa ng batang supremo. Nasisigurado niyang si Marvin ang nagmamay-ari nito. Nabigla si Alena ng marinig na papalapit sa kanya ang mga tauhan ng supremo. “Sino ka?!” nagitlang bulyaw ng lalaki pagkabukas ng pinto kung saan siya nagtatago.

Nagkagulo sa buong silid. Naramdaman ni Alena ang kuko ng lalaki na nakabakat sa kanyang braso. “Bitiwan mo ako!” pilit na bumibigwas si Alena kahit alam niya sa sarili na takot na takot siya. “Pakawalan nyo sya, ako na ang bahala,.” “Rod!” umiiyak si Alena nang yumakap sa kanya.

"Supremo, sisirain ni-"

Nanlumo si Alena at nagulat. Nagalit siya kay Rod. “Alena, please,..”

"Ngayon alam ko n. Magkaiba nga tayo."

Palabas na sana ng pinto ang dalaga nang mahigpit na hinablot ni Rod ang kanyang braso. Buong pagmamahal niyang niyakap si Alena. “ipikit mo na lang ang iyong mga mata upang hindi mo makita ang katotohanan.” Pumatak ang mga perlas mula sa mga mata ni Rod sa unang pagkakataon.

Pinangiliran ng luha ang dalaga habang dumadaloy ang init ng pagmamahal ng binata sa buong katawan nito. Maya- maya pa’y huminga siya ng malalim at marahang ibinaba ang talukap ng kanyang mga mata.

Kasabay ng pag-agos ng luha ni Alena ay ang mahapding pagtusok ng isang matulis na bagay sa kanyang balat.

Mahig akong magbasa ng mga kwentong kagaya nito. Mga nakakatakot, nakakagulat at nakakamanghang istorya.

haters are confused admirers who can’t understand why everybody else likes you….
— Paulo Coelho
i love this shot :)

i love this shot :)

ang lamig dito sa Pilipinas.. makapag-migrate na nga :))))

wala lang :D

di matahimik na pluma

Ang kaapihan ay hindi isang magalang
na bisitang dumarating…

Hindi ito isang kiming magsasaka na
kipkip sa dibdib ang sombrero;
at sa kagustuhang maisalba ang lupang
maliit
ay makikiusap ng palugit sa usurerong
nanggigipit.
Kakatok sa guwardiyadong geyt para
magtanong muna kung “nahandyan po kaya
si ser?”

Kaluskos at yabag ito sa tahimik na
gabi, tadyak sa pinto, kasa, umang,
kalabit…
Bumubutas ng sawali, bumibingi sa
paslit at bumubutas sa bituka ng ama
nitong ayaw umalis sa lupang matagal
na niyang sinasaka, ayaw magbigay daan
sa planong subdibisyon at golf courses…
Ni hindi ito mag-aalis ng bakya o
magpupunas ng paa, mag-iingat na
makasagi sa takot nitong ang makabasag
ay lalong magbabaon sa kanya sa
pagkakautang…

Itoy malulutong na mura, bulyaw,
suntok at tadyak ng mga sundalo at
bayarang sanggano, malalakas na
lagapak ng sahig, dingding at
bubungan, martilyo, maso, bareta-de-
cabra, alang-alang sa kawawang
mayayaman na walang mapagparadahan…
Hindi ito maghihintay paupuin…

Ito’y nakabibinging alingawngaw ng mga
talumpati at pangako ng Bagong
Lipunan, ng pagkakaisang may sakit sa
atay, ng Philippines 2000, ng walang
kumpare, walang anak at walang kamag-
anak, ng moral transformation na
hinugot mula sa ‘hello, garci’

Ito’y malalakas na sirenang umiiskorte
sa mga itim na sasakyan, palabas at
papasok ng senado, kongreso o
Malakanyang.

Ito’y dumadagundong na ugong ng mga
eroplanong nagluluwas ng libo-libong
Pilipino para pugutan sa Saudi,
gahasain sa Hongkong, at bitayin sa
Singapore…

Ang kaapihan ay hindi isang magalang
na bisitang dumarating…hindi ito
mapapalayas ng pabulong…

ang daming kaartehan sa mundo..